SONA 2013
Sa ika-apat na Sona ni Pangulong Benigno Noynoy Aquino Jr. Muli nitong inilatag ang pangako niyang daang matuwid tungo sa pag asenso ng Pilipinas. Mahaba at puno ng datos ang Sona niya sa pamamagitan ng pasasalamat sa suportang ibinigay ng taong bayan sa kanyang administrasyon. Ang patuloy na pag dami ng mga kakamping makiki sagwan sa iisang direksyon ay makakatulong sa pagpapatuloy ng kanyang mga layunin sa gobyerno. Ipinagmalaki ni Pnoy sa kanyang talumpati ang mga proyektong nagawa ng kanyang administrasyon sa naka lipas na taon. Kabilang dito ang pag taas ng GDP ( gross domestic product), pag taas ng employment rate ng mga grumagradweyt sa Tesda, pagdami ng makikinabang sa pantawid pamilyang Pilipino, ang pagpapatupad ng K-12 education system, pagbaba ng antas ng rice importation, paglawak ng 2 benefit package ng Philhealth at marami pang iba. Ibinalita rin ni Pnoy na sa Hulyo 23 ay isusumite niya ang propose 2.268 trillion na budget for 2014 sa Kongreso. Ang talumpati ni Pnoy at sa huli ay ibinalik niya sa taong bayan. Ang tagumpay na natamasa ng gobyerno sa loob ng naka lipas na panahon.
No comments:
Post a Comment